I-block ang mga partikular na salita mula sa paglabas sa mga comment sa iyong Facebook Page

Kopyahin ang Link
Tulong para sa Computer
Tulong para sa iPad App
Tulong para sa iPhone App
Tulong para sa Mobile Browser
Tulong para sa Android App
Kung tumutulong kang mag-manage ng Facebook page, puwede mong i-block ang mga partikular na salita para hindi lumabas sa mga comment sa iyong Page. Kapag nagsama ang mga tao ng salitang na-block mo sa isang comment, iha-hide namin ang comment para hindi ito lalabas sa iyong Page.
Puwede mo ring i-block ang mga comment na may bastos na salita. Alamin kung paano i-ON o i-OFF ang filter ng bastos na pananalita par sa iyong Page.
Kung mayroon kang Facebook access sa isang Page, puwede kang pumili ng hanggang 1,000 keyword sa kahit anong wika (halimbawa: mga salita, parirala o emoji) para i-block mula sa mga comment sa iyong Page.
Awtomatiko rin naming itatago ang mga variation ng mga keyword na gusto mong i-block upang hindi maisama ang mga variation na iyon sa limitasyong 1,000 keyword. Kasali sa mga variation ang mga karaniwang mali sa mga spelling, plural, abbreviation at salitang gumagamit ng mga numero at simbolo. Halimbawa:
  • Kung iyong na-block ang salitang "puno," awtomatiko naming iba-block ang mga variation ng salitang ito katulad ng: PUNO, p.u.n.o., pun33, punooo at #puno. Ibig sabihin nito ay hindi mo na kailangang isama ang mga variation na ito sa iyong listahan ng keyword.
  • Kung may nakita kaming mga variation ng keyword sa iyong listahan, puwede mong piliin na alisin ang mga iyon para hindi kasama ang mga iyon sa iyong limitasyon sa keyword.
Tandaan: Kung mayroon kang task access sa isang Page, puwede kang pumili ng mga keyword na iba-block sa Meta Business Suite. Awtomatiko naming iha-hide ang mga variation para sa mga keyword na iyong idinagdag, pero hindi mo masusuri o maaalis ang mga variation.

Mag-block ng mga keyword mula sa iyong Page

  1. Mag-log in sa Facebook, at pagkatapos ay i-click ang iyong profile photo sa kanang bahagi sa itaas.
  2. I-click ang Tingnan ang lahat ng profile, at pagkatapos ay piliin ang Page kung saan mo gustong lumipat.
  3. I-click ang litrato ng iyong Page sa kanang bahagi sa itaas, pagkatapos ay i-click ang Mga setting at privacy.
  4. I-click ang Mga setting, pagkatapos sa kaliwang menu, i-click ang Mga follower at public na content.
  5. I-click ang I-hide ang mga comment na naglalaman ng mga partikular na salita mula sa iyong Page.
  6. Magdagdag ng mga keyword na gusto mong i-block:
    • Para magdagdag ng mga salita o parirala: Mag-type ng mga salita o parirala na pinaghiwalay ng mga kuwit.
    • Para magdagdag ng emoji: I-click ang Emoji, at pagkatapos ay piliin ang emoji na gusto mong i-block.
    • Para magdagdag ng listahan ng mga keyword:
      • Puwede kang kumopya ng listahan ng mga keyword, i-paste ito sa text box, pagkatapos ay pindutin ang Enter sa iyong keyboard.
      • Kung nagma-manage ka ng maraming Page, puwede mong kopyahin ang iyong listahan ng keyword mula sa isang Page patungo sa isa pa. Para kopyahin ang listahan mula sa iyong Page, i-click ang Mga Option. Lumipat sa Page na gusto mong idagdag ang iyong listahan, pagkatapos ay sundin ang mga instruksiyon sa itaas para idagdag ang iyong listahan sa Page na iyon.
      • Kung gusto mong mag-upload ng listahan ng mga keyword, i-click ang Mga Option, pagkatapos ay piliin ang Mag-upload mula sa .CSV at sundin ang mga instruksyon para i-upload ang iyong file.
  7. Suriin ang iyong listahan ng keyword.
    • Kung nagsali ka ng mga variation sa iyong listahan, i-click ang Ipakita ang Mga Variation para makita ang mga iyon. Ang mga variation ay lalabas na gray. Puwede mong alisin ang mga iyon sa pamamagitan ng pag-click sa Alisin ang [numero] (na) Variation.
    • Kung gusto mong alisin ang indibiduwal na keyword mula sa listahan, i-click ang X sa tabi nito. Puwede mo ring i-click ang I-clear ang listahan para alisin ang lahat ng iyong keyword.
  8. I-click ang I-save.

Tandaan

Puwede mo lang i-hide ang mga comment na naglalaman ng mga partikular na salita mula sa paglabas sa content na ginawa mo. Hindi naaapektuhan ng setting na ito ang mga comment sa mga post ng ibang tao o mga post na idinagdag ka bilang collaborator.
Makikita pa rin ng mga profile at Page na gumawa ng komento at ng kanilang mga kaibigan ang mga nakatagong komento.
Puwede mong i-unhide ang mga comment na naglalaman ng mga na-block na salita sa pamamagitan ng pagpunta sa comment at pag-click sa I-unhide.

Oo
Hindi

Iba pang paraan para makakuha ng tulong

Makipag-chat sa Meta AI support assistant
Lutasin ang mga isyu, gumawa ng mga pagbabago at makakuha ng suporta nang real time